Mga opisyal ng Gobyerno na dawit sa Red tagging, dapat managot sa batas
Sinusuportahan ni Senador Francis Pangilinan ang panukalang gawing krimen ang red tagging o pagbansag sa ilang personalidad na kaalyado ng mga terorista.
Ayon kay Pangilinan, tamang papanagutin ang opisyal ng gobyerno o sinumang nagre-red tagging.
Paalala ng Senador, ito ay Abuse of Authority, Political bias at paglabag sa Freedom of Expression.
Nagdudulot din umano ito ng panganib dahil ang mga nare-red tag ay nagiging target ng pagpatay, harassment at pananakot.
Dagdag ng Senador, ang mga biktima ngayon ng red tagging ay maaaring magsampa ng reklamong administratibo sa Ombudsman o dumulog sa Korte para sa Writ of Amparo at Writ of Habeas data para sa proteksyon ng buhay, kalayaan at seguridad ng biktima pero wala naman aniyang parusa.
Meanne Corvera