US Government nagdonate ng 3.6 milyong pisong halaga ng anti-drugs equipment sa BOC
Tumanggap ang Bureau of Customs mula sa US Government ng tatlong anti-drug equipment na nagkakahalaga ng P 3.6-M.
Ayon sa US Embassy, ang mga handheld drug analyzers ay ipinagkaloob sa BOC ng Office of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng US Department of State at ng US Drug Enforcement Administration.
Magagamit ito ng mga tauhan ng BOC para makontra ang mga pumapasok na iligal na droga sa Pilipinas.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Customs Commissioner Leonardo Guerrero na malaki ang maitutulong ng mga handheld drug analyzers sa kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.
Moira Encina
Please follow and like us: