Malakanyang, tiniyak na babayaran ng Philhealth ang 600 milyong pisong utang sa Phil. Red Cross
Hindi dapat mag-alala ang Philippine Red Cross sa bagong utang ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na nagkakahalaga ng 600 milyong piso. Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi tatakbuhan ng Philhealth ang pagkakautang sa Philippine Red Cross.
Ayon kay Roque noong umabot sa mahigit isang bilyong piso ang utang ng Philhealth sa Philippine Red Cross ay binayaran ito.
Inihayag ni Roque maghintay lang sandali ang Philippine Red Cross sapagkat may prosesong sinusunod para mabayaran ang bagong utang ng Philhealth na umabot na sa 600 milyong piso dahil sa ginagawang swab test sa mga dumarating sa bansa na mga Overseas Filipino Workers o OFWS.
Nagbanta ang Philippine Red Cross na muling ititigil ang swab testing sa mga OFWS kung hindi babayaran ng Philhealth ang 600 milyong pisong utang.
Magugunitang noong naniningil ang Philippine Red Cross sa Philhealth sa utang na isang bilyong piso ay nagparinig si Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang pera ang Philippine Red Cross.
Vic Somintac