Hindi pa naibibigay na Hazard pay ng mga Medical Frontliners, pinaiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros ang dahilan bakit hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ang Hazard pay at Special Risk allowance ng mga Healthcare worker.
Naghain na ang Senador ng Resolution No. 584 para suriin ang isyu matapos magprotesta ang grupo ng mga Frontliners.
Reklamo ng grupo, wala pa silang natatanggap n akaragdagang kompensasyon mula pa noong Marso.
Ito’y kahit pa may inilaang pondo para dito ang Kongreso at may inilabas nang Executive Order ang Pangulo na dapat makatanggap ng karagdagang 3,000 piso kada buwan ang mga Health worker.
Katwiran ng Senador, naipalabas na ang pondo para dito noong Oktubre at nagsimula na rin ang Disyembre pero bakit aabot pa sa mahigit 16,000 Health workers ang hindi nakatatanggap ng hazard pay at risk allowance.
Meanne Corvera