Minahan sa Nicaragua gumuho, hindi bababa sa sampu ang na-trap
MANAGUA, Nicaragua (AFP) – Hindi bababa sa sampu katao ang na-trap sa naganap na mudslide, sa isang hindi lisensyadong minahan ng ginto sa La Esperanza region ng southern Nicaragua.
Kaugnay nito, ay nagsimula na ang rescue crew na magtrabaho para iligtas ang na-trap na mga minero.
Hindi naman sinabi ni Vice President Rosario Murillo, na siya ring tagapagsalita ng gobyerno, kung ilan ang mga minerong nasa minahan nang ito ay gumuho, o kung mayroon bang namatay.
Subalit umaasa aniya sila na hindi sila makatatangap ng hindi magandang balita.
Ayon naman sa independent newspaper na La Prensa, sinabi ng mga nakasaksi na hindi bababa sa 15 katao ang na-trap sa minahan.
Tinatayang tatlong libong katao ang nagtatrabaho sa mga hindi lisensyadong minahan sa Nicaragua.
© Agence France-Presse