Durant, bibisita sa Warriors sa Feb. 13
NEW YORK, United States (AFP) – Bibisitahin ni Kevin Durant at ng Brooklyn Nets ang Golden State Warriors sa February 12, ang team na pinangunahan nya para makakuha ng dalawang titulo, bilang bahagi ng first-half schedule ng NBA.
Inanundyo ng liga ang mga unang araw ng kanilang season-opening showdowns sa December 22-25 noong Miyerkoles, na sinundan ng early portion ng isang lineup ng 37 o 38 games per club hanggang March 4, 2021.
I-aanunsyo ng NBA ang nalalabi sa schedule ng 72 games per club (March 11-May 16) sa mga huling bahagi ng first half, para may panahon pa sakaling magkaroon ng Covid-19 postponements, dahil tatangkain na makapaglaro sa home arenas, na karamihan dito ay wala munang live audiences, sa halip na sa bubble na ginamit para makumpleto ang nakaraang season.
Kabilang sa notable contests mula sa dalawang buwan ng campaign na inihayag ng Biyernes, ay ang pagbabalik ni Durant sa Bay Area, matapos pumirma sa Nets bilang isang free agent noong 2019, matapos niyang makaranas ng torn Achilles tendon sa NBA Finals.
Si Durant ang NBA Finals Most Valuable Player para sa Warriors noong 2017 at 2018, nang talunin nila ang Cleveland Cavaliers na pinangungunahan ni LeBron James, sa championship series.
Ang Nets ang magiging host ng Warriors sa December 22 sa first game ng 2020-21 campaign.
Haharapin naman ni Russell Westbrook ng Washington ang dati niyang teamates sa Houston Rockets sa Texas sa January 26, jabang bibisita naman ang Houston sa US capital sa February 15.
Ang powerhouse na Milwaukee Bucks, na kinatatampukan ni Giannis Antetokounmpo, ay bibisita sa Brooklyn sa January 18, habang ang Phoenix ay bibisita sa Memphis, at ang Warriors ay bibisita sa Los Angeles na tahanan ng defending NBA champion Los Angeles Lakers, habang ang Orlando ay bibisita sa New York at ang Minnesota sa Atlanta.
Kakaharapin ng bawat team ang kanilang conference rival ng tatlong beses, at bawat katunggali mula sa opposite conference ng dalawang ulit. Ang mga koponan ay maglalaro sa pagitan ng 17 at 20 home games sa first half ng season, kung saan 558 mula sa 1,080 games ay inanunsyo na ng Biyernes.
Gumamit ang NBA ng isang “series” model para mabawasan ang pagbiyahe at mga isyung may kaugnayan sa COVID-19, kaya malamang na dalawang ulit na magkaharap ang magkakatunggaling clubs sa iisang syudad.
Bibisita naman ang Lakers sa Boston sa January 30 at kakaharapin ang Miami, sa isang rematch ng last season ng NBA Finals sa February 20.
Ang iba pang notable games ay ang pagbisita ng Boston sa New Orleans sa February 21, at ang Los Angeles Clippers sa Milwaukee sa February 28.
Ang NBA playoffs ay gaganapin naman mula May 22 hanggang July 22 sa susunod na taon.
© Agence France-Presse