LeBron, Osaka, at Mahomes, kabilang sa Sportspersons of the Year ng Sports Illustrated
NEW YORK, United States (AFP) – Kabilang sa limang atletang pinarangakan ng Sports Illustrated (SI) magazine para sa kanilang off-field activism, sina NBA champion LeBron James, Super Bowl winner Patrick Mahomes at Naomi Osaka ng Japan.
Ang “activist athlete” ang tampok sa annual Sportsperson of the Year, kung saan nagbigay ito ng tribute sa off-field activities ni James, Osaka, Mahomes at kaniyang NFL teammate na si Laurent Duvernay-Tardif, at ang NBA Women’s champion na si Breanna Stewart.
Pahayag ng SI, “five men and women who in 2020 were champions in every sense of the word: champions on the field, champions for others off it.”
Si James ang nanguna sa Los Angeles Lakers nang mapanalunan nito ang NBA title, na ika-apat na sa kaniyang career, at siya rin ang kauna-unahang three-time winner ng SI sportsperson award, noong 2012, 2016 at ngayong taon.
Pinarangalan din si James ng Muhammad Ali Legacy Award para sa kaniyang career dedication to public service.
Si James ay naging vocal tungkol sa police brutality, racial inequality at pinangunahan ang isang voter registration program, ang “More Than A Vote,” kung saan higit sampung libong poll workers at register voters ang lumagda at lumahok sa paglaban sa “voter suppression.”
Napanalunan naman ni Osaka ang ikatlo niyang Grand Slam tennis title sa US Open ngayong taon. Lumahok din siya sa Black Lives Matter protests kasunod ng pagkamatay ni George Floyd, at sa buong panahon ng kaniyang paglalaro sa US Open ay nakasuot siya ng black mask na may pangalan ng African-American na pinaslang ng pulisya.
Pinangunahan naman ng Super Bowl Most Valuable Player na si Mahomes ang Kansas City Chiefs nang pagwagian ang Super Bowl crown, at nagtulak sa NFL para kilalanin ang Black Lives Matter movement at nagbigay din siya ng suporta sa mga manlalaro ng NFL para magsagawa ng social protests.
Si Duvernay-Tardif na starting right offensive guard para sa Chiefs na isa ring doctor, ay mas piniling hubarin ang kaniyang NFL uniform para isuot ang protective personal equipment (PPE), para gampanan ang pagiging manggagamot nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, at sumama sa mga frontliner sa pakikibaka para magligtas ng buhay ng mga tao.
Sinuportahan naman ni Stewart ang Black Lives Matter mula sa pagsisimula ng Women NBA bubble hanggang sa matapos, at tumulong sya sa Seattle Storm na makuha ang ika-apat nitong title at pagwagian ang WNBA Finals MVP honors, makaraang gumaling sa kaniyang Achilles injury.
Sa pag-aanunsyo sa mga nagwagi, sinabi ng SI na kung may liwanag sa madilim na taong ito, iyon ay ang ipinakitang leadership at optimism ng ilan sa mga pangunahing atleta ng bansa, sa pagharap sa napakaraming hamon.
Pahayag pa ng SI, “The issues and challenges of 2020 will no doubt still be there in 2021 and beyond. But our Sportspersons of the Year set an example of how to face and one day fix them. With principle. With passion. And with an athlete’s optimism — the belief that no matter the obstacles, better days are ahead.”
© Agence France-Presse