Health Sec. Francisco Duque at iba pang opisyal ng DOH handang pangunahan ang pagpapabakuna kontra COVID-19
Handa si Health Sec. Francisco Duque III at buong Department of Health na maunang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa oras na magkaroon na nito sa bansa.
Ginawa ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire ang pahayag kasunod ng hamon ni Senator Bong Go kay Duque maging kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na unang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang masigurong ligtas talaga ito.
Muli namang tiniyak ni Vergeire na bago payagang magamit sa publiko ay sisiguruhin naman nilang dadaan ito sa mabusising pag aaral upang matiyak ang kaligtasan nito.
Dagdag pa ng opisyal ang bakuna pag nakatapos na sa 3 phase ng pag aaral ay ligtas na ito.
Sa ngayon may 5 manufacturer ng COVID-19 vaccine ang nag aaplay sa bansa para makapagsagawa ng clinical trial.
Sa mga ito, ang Sinovac at Clover Biopharmaceuticals ay aprubado na ng vaccine expert panel habang ang jansen at AstraZeneca ay aprubado naman ng ethics review panel.
Madz Moratillo