Na-Nosebleed ka na ba?
Magandang araw mga kapitbahay! Sa araw na ito ay ibabahagi sa atin ni Dr. Jay Galvez, ENT Specialist ang ukol sa nose bleed o balinguyngoy.
Bakit nga ba nagkakaron ng pagdurugo ng ilong? Ang sabi ni Doc Jay, ang nosebleed o balingungoy ay karaniwang nangyayari sa bata at matanda. Ang pabago-bagong panahon ang isang dahilan. Biglang mainit, biglang malamig. Ang dalawang “extremes” ng panahon ay pwedeng maging dahilan ng panunuyo o dryness ng ilong.
Isa pang karaniwang dahilan ay “hypertension”. Kapag ito ang dahilan ng pagdurugo ng ilong, maalarma tayo dahil isa na itong warning sign. Samantala, another cause of nosebleeding sa mga bata ay ang pagkalikot sa ilong.
Binigyang-diin ni Doc Jay na sa lahat ng kaso ng balinguyngoy ay may pang-unang lunas o first aid na pwedeng gawin.
Una sa lahat ikaw at mga kasama mo hindi dapat na magpanic. Kapag nagpanic, ang pasyente ay bumibilis ang tibok ng puso, tumataas ang blood pressure at pwedeng maging dahilan para hindi tumigil ang pagdurugo ng ilong. Kaya dapat relax!
Ang ikalawa, in any case na may pagdurugo, the best thing to do is to apply pressure. So, I-pinch ang ilong ng 3-5 minutes. Kadalasan anya ang pagdurugo ng ilong ay sa harap lang sa “septum”. Huwag pasakan o lagyan ng kung ano-ano ang butas ng ilong.
Tandaan na pagkatapos na i-pressure ang ilong ay tumungo at hindi tumingala. So, ang dapat na gawin kapag binabalinuyngoy o nagdurugo ang ilong ay umupo, relax, apply pressure with your thumb and forefinger, at tumango, maghintay.
Kung hindi pa rin huminto ang pagdurugo ng ilong o may continuous bleeding after 3-5 minutes na ginawa na ang first aid, dito na dapat dalhin ang pasyente sa Emergency Room ng isang pagamutan.
O paano mga kapitbahay, sana nakatulong itong mga paalala na ibinigay sa atin ni Dr. Jay Galvez, until next time.