Muling pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa napansin ni Pangulong Duterte
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakapuna na tumataas na naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong holiday season.
Sa kanyang regular weekly talk to the people nagbabala ang Pangulo sa publiko na matiitigas ang ulo na ayaw sumunod sa ipinatutupad na standard health protocol.
Sinabi ng Pangulo baka matulad ang Pilipinas sa Amerika na lomobo ng husto ang kaso ng COVID-19 dahil hindi tumatalima ang mga tao sa mga patakaran ng ipinatuutupad ng gobyerno.
Dahil dito nais ng Pangulo na paigtingin ang pagsasagawa ng COVID-19 test at isolation sa mga magpopositibo sa virus.
Inatasan ng Pangulo si Health Secretary Francisco Doque III na gumawa ng paraan para sa mas murang swab test ganun din si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na atasan ang mga lokal na pamahalaan na kauusapin ang mga may-ari ng hotel at motel na maaaring gawing isolation facilities.
Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong taon.
Vic Somintac