Philippine Commission on Women at Zonta club of Cavite lumagda sa MOU para paigtingin ang kampanya laban sa Violence Against Women sa lalawigan.
Lumagda sa isang Memorandum of Understanding o M.O.U ang Philippine Commission on Women para paigtingin nito ang kampanya ukol sa Gender Equality at maging ang kampanya ng komisyon laban sa Violence Against Women.
Ang M.O.U ay nilagdaan sa pagitan ng Philippine Commision on Women at ng Zonta Club of Cavite, sa pangunguna ni PCW Chairperson Ms. Sandy Montano at PCW Executive Director Atty. Kristine Yuzon-Chaves, at ng Zonta Club of Cavite na si President Maricel Montano-Lujer.
Ang naturang MOU ay bahagi ng pagpapalakas ng awareness campaign ng Komisyon ukol sa Pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan laban ss Violence Against Women.
Isang paraan din ito ng Zonta Club organization sa Cavite para mapatibay ang kanilang pakikipag ugnayan at pagtutulungan sa PCW para pangalagaan at irespeto ang kapakanan ng mga kababaihan.
Nakasaad din sa M.O.U na nilagdaan ng Philippine Commision on Women na tutulong ang komisyon sa naturang organisasyon para sa information dissimention at distribution ng mga reading and advocacy materials ukol sa violence against women sa buong Cavite Province.
Nagkakaisa din ang PCW at ang Zonta Club of Cavite sa pag po-promote ng women’s empowerment, at gender equality.
Nagpapasalamat naman si PCW Chairperson Ms. Sandy Montano sa pamunuan ng Zonta Club of Cavite sa suporta na ibinibigay ng kanilang organisasyon para tugunan ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan sa lalawigan ng Cavite.
Ulat ni Jet Hilario