Pilipinas problemado sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19 – vaccine czar sec Carlito Galvez
Aminado si National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na problema ng Pilipinas ang supply ng bakuna laban sa COVID- 19.
Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa huling pulong ng Inter Agency Task Force o IATF sa Malakanyang sinabi ni Secretary Galvez na 80 percent ng supply ng COVID 19 vaccine ay nakareserba na sa mga mayayamang bansa.
Ayon kay Galvez malaking problema sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas ang pagkuha ng supply ng bakuna laban sa COVID-19.
Niliwanag ni Galvez ang tanging paraan ay makiusap sa mga bansang may sobrang supply ng bakuna para mabigyan ang Pilipinas.
Inihayag ni Galvez mayroong negosasyon ang Pilipinas sa mga bansang Canada , Australia at China para sobrang bakuna laban sa COVID-19.
Batay sa report sobra sobra ang doses ng anti COVID-19 na binili ng mga mayayamang bansa para sa pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.
Vic Somintac