Manila Mayor Isko Moreno tiniyak ang mahigpit na implementasyon ng health protocols sa lungsod
Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Police District na tiyaking istriktong naipapatupad ang minimum health protocols sa lungsod bilang pag-iingat sa COVID- 19 lalo na ngayong holiday season.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa virus.
Paliwanag ng alkalde, hindi lamang ang mamamayan ang kailangang maprotektahan kundi maging mga negosyo dahil dito nakasalalay ang kabuhayan ng marami.
Naniniwala ang alkalde na kung palaging mapapaalalahanan na sumunod sa health protocols ay magkakaroon ng kusang disiplina ang publiko at mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.
Sa ginanap na Management Committee meeting ng Manila LGU, pinaalalahanan rin nito ang mga awtoridad na batayan ang posibleng maging pagtaas ng crime rate lalo na at malapit na ang Holiday season.
Madz Moratillo