Reclassification UN Commission sa Marijuana bilang hindi gaanong mapanganib na gamot, walang epekto sa Pilipinas
Walang epekto sa bansa ang panibagong klasipikasyong inilabas ng United Nations Commission sa marijuana.
Ito’y matapos ibinilang ang marijuana bilang hindi gaanong mapanganib na gamot batay sa UN Commission.
Sinabi ni Dangerous Drugs Board chairman Catalino Cuy na walang magiging epekto ito sa bansa dahil may sarili pa ring hurisdiksyon ang gobyerno para sa klasipikasyon at pagre-regulate ng nasabing cannabis.
Ayon kay Cuy, mananaig pa rin ang ating Domestic laws kung saan ibinibilang ito na highly-addictive at posibleng magdulot ng negatibo sa kalusugan.
Una rito, 53 miyembro ng UN Commission on Narcotics Drugs ang pumabor sa naging reclassification ng marijuana.