Nais ni Pangulong Duterte na gawing libre ang Covid-19 test, pag-aaralan ng IATF
Pag-aaralan pa ng Inter Agency Task Force o IATF ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing libre ang mass testing kontra COVID 19 sa lahat ng mga Filipino.
Ayon kay IATF Vice Chairman at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles. kailangan munang alamin kung sasapat ang pondo ng Philhealth at Department of Health para sa mass testing.
Sinabi ni Nograles sa ngayon pinipilit ng pamahalaaan na maibaba ang presyo ng COVID 19 test para makayanan ng mga Filipino.
Inihayag ni Nograles prioridad ng pamahalaan ang pagsasagawa ng COVID test sa mga sektor na higit na kinakailangang sumailalim sa pagsusuri.
Sa pahayag ng Pangulo binigyaang diin nito ang kahalagahan ng libreng mass testing sa mga Filipino Matatandaang kamakailan lamang,
umabot sa mahigit isang bilyong piso ang utang ng Philhealth sa Philippine Red Cross dahil sa pagsasagawa ng covid test sa mga Overseas Filipino Workers o OFWS.
Vic Somintac