PNP, patuloy na tatanggap ng mga rebeldeng magbabalik-loob sa pamahalaan ngayong holiday season
Patuloy na tatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng mga rebeldeng komunistang magbabalik loob sa pamahalaan.
Ito ang naging pahayag ni PNP Chief Debold Sinas matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde ngayong holiday season.
Sinabi ni Sinas na patuloy na magbibigay ng assistance ang pulisya sa mga CPP-NPA members na isusuko ang kanilang mga armas at bababa ng kabundukan para makapiling ang kanilang pamilya ngayong pagtatapos ng taon.
Aniya, naiintindihan nila ang hirap na dinaranas ng mga rebelde sa kabundukan kaya inaalok nila ang ito ng pagkakataong baguhin ang kanilang buhay.
Matatandaang kamakailan ay tinatanggap ng PNP ang pagsuko ng 5 New People’s Army (NPA) member mula sa Eastern Visayas.
Sa ulat na nakarating sa PNP Command center, sinabi ni Eastern Visayas PNP Regional Director, Police Brigadier General Ronaldo De Jesus na ang mga sumukong rebelde ay isinuko rin ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng tatlong Caliber 45 postols at isang 5.56 mm bushmaster asaualt rifle.
Isinasailalim na ngayon sa debriefing ang mag sumukong rebelde at nakatakdang tumanggap ng mga benepisyo ng gobyerno sa ilalim ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local integration Program.