Tatlong bakuna ng COVID-19 ang siguradong mabibili ng Pilipinas – Malacañang
Tiniyak ng Malakanyang na makakabili ng bakuna laban sa COVID 19 ang Pilipinas sa unang quarter ng susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tatlong anti COVID 19 vaccine ang siguradong mabibili ng Pilipinas.
Ayon kay Roque mayroon ng tripartite agreement na pinirmahan ang bansa sa AstraSeneca ng United Kingdom, mayroon naring kasundunan sa Pfizer sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at US Secretary of State Mike Pompeo at mayroon naring naisarang kasunduan si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa Sinovac ng China.
Inihayag ni Roque sisikapin ng pamahalaan na maumpisan ng bansa ang pagbabakuna sa unang quarter ng susunod na taon.
Vic Somintac