Health experts sa Asya nanawagan sa mga cancer patients na ituloy at huwag i-delay ang kanilang gamutan sa kabila ng pandemya
Hinimok ng koalisyon ng mga health experts mula sa Asya ang mga cancer patients na ipagpatuloy ang kanilang treatment at consultation sa kanilang mga doktor sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ang panawagan ay bahagi ng global campaign na “New Normal, Same Cancer”
Inilunsad ang kampanya dahil sa epekto ng COVID sa cancer services at treatment sa Asya.
Batay sa datos, bumaba ang bilang ng mga cancer patients sa Asya na nagpapagamot, kumukonsulta at nagpapatuloy sa kanilang chemotherapy at radiotherapy sessions dahil sa pandemya.
Sa Pilipinas ilan sa mga tinukoy na hamon sa cancer care ay ang takot at pangamba ng mga pasyente na mahawan ng virus, stigma at kakulangan sa mga health care workers, at limitadong access sa transportasyon.
Base pa sa survey sa ilang medical oncologist sa Pilipinas, mahigit 80% sa kanila ang kumaunti ang bilang ng mga cancer patients na nagpapakonsulta araw araw at 74% sa kanila ay mayroong mga pasyente na lumala ang sakit o kaya ay pumanaw dahil sa pagkaantala ng gamutan.
Binigyang-diin pa ng mga oncologists at eksperto mula sa India, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Singapore na mahalagang huwag idelay ang gamutan sa cancer.
Tiniyak nila na marami sa mga healthcare facilities sa Asya na nangangalaga sa mga cancer patients ay nagpapatupad ng safety at innovative protocols at solutions para maiwasan na mahawahan ang mga ito ng COVID at matiyak ang best treatment sa mga pasyente nila kahit may pandemya.
Kasabay nito, hinikayat din ng mga health experts ang mga may sintomas ng kanser na agad na magpakonsulta dahil importante ang early detection at screening sa laban sa cancer.
Muling ipinunto ng mga doktor na hindi makapaghihintay ang kanser at ngayong unti-unting nag-a-adapt ang marami sa new normal ay mahalagang huwag ipagpaliban ang gamutan ng mga pasyente dahil kritikal ang timely diagnosis at treatment upang magtagumpay sa nasabing sakit.
Moira Encina