Mga bagong ambulansya na binili ng Manila LGU dumating na
Mayroong 12 bagong ambulansya na magagamit ang lungsod ng Maynila.
Ang mga bagong ambulansya na ito na tinawag na Advance Cardiac Life Support Ambulance ay sa Estados Unidos pa binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapasinaya sa mga bagong ambulansya na inaasahang makakatulong ng malaki sa Covid-19 Response at Emergency situation sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Ang mga ambulansya ay idedeploy sa anim na ospital na nasa ilalim ng Manila LGU.
Ang anim pang ambulansya, ay gagamitin ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa quick reaction mobilization and support.
Ayon kay Arnel Angeles, hepe ng MDRRMO, aabot sa P300 million ang budget dito. Ang bawat ambulansya, mistulang mini-hospital, at may mataas ang kalidad.
Madz Moratillo