Relief operations Sa Tuguegarao City, pansamantalang itinigil dahil sa banta ng COVID-19
Nagpalabas si Tuguegarao city Mayor Atty. Jefferson Soriano ng Executive Order 139, na pansamantalang nagpapatigil sa relief operations sa lungsod, dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Sa pinakahuling datos ng City Health Office, umabot na sa 639 ang kabuuang kaso ng COVID-19 simula Marso ngayong taon, kung saan. 494 dito ang gumaling, at walo ang namatay.
Samantala, 137 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Muli namang nagpaalala ang mga kinauukulan sa publiko, na ugaliin ang sumunod sa minimum health protocols at quaratine protocols na ipinatutupad sa lungsod, upang maproteksyunan ang sarili laban sa virus.
Ulat ni Nhel Ramos