Apple, magdaragdag ng privacy fact labels sa App Store items
SAN FRANCISCO, United States (AFP) – Sinimulan na ng Apple nitong Lunes, ang pagdaragdag ng labels na maglalantad kung ano ang natitipon ng user data sa pamamagitan ng games, chat o iba pang software na inio-offer sa App Store, para sa kanilang popular mobile devices.
Inanunsyo ng iPhone maker ang mga plano para sa “privacy labels” nang una nilang ipakilala ang bagong version ng kanilang iOS mobile operating system, na inilabas noong Setyembre.
Sa isang blog na ipinost nang ilunsad ang iOS 14, ay sinabi ng Apple na ang App Store product pages ay magtatampok ng summaries ng self-reported privacy practices ng developer, na naka-display sa isang simple at easy-to-read format.
Simula nila sa susunod na taon, lahat ng apps ay kailangan nang humingi ng user permission bago magawa ang “tracking.”
Sinimulan ng Apple ang pagdaragdag sa nabanggit na labels nitong Lunes, kung saan ang panuntunan ay magiging aplikable sa mga bagong app para sa iPhones, iPads, Apple Watch, Apple TV at Mac computers.
Ayon sa Silicon Valley-based company, ang labels ay maglalaman ng impormasyon na galing sa developers, nang sila ay mag-submit ng apps para maaprubahan na lilitaw sa virtual shelves ng App Store.
Nitong nakalipas na linggo, ay sinimulan na ng Apple na atasan ang developers na magsumite ng privacy information para gamitin sa labels.
Sinabi naman ng Facebook-owned smartphone messaging service na WhatsApp sa isang blog post na nagpapaliwanag kung ano ang natitipon o nalilikom ng mga app, na kamakailan lang ay ginawa nang requirement ng Apple sa lahat ng apps na idi-distribute sa pamamagitan ng kanilang App Atore, na magdisplay ng mga detalye na nakadisenyo para ipakita sa mga tao kung paano gagamitin ang kanilang data.
Dagdag pa ng WhatsApp, “We must collect some information to provide a reliable global communications service.”
Paliwanag ng Apple, layon nito na madaling makita ng users at maintindihan kung ano ang ginagawa ng apps sa kanilang data, mula sa lists of contacts hanggang sa kung nasaan sila.
Ang data types na idinagdag sa labels ay may kasamang tracking para ma-target ang advertising o sharing sa data brokers, maging ang impormasyon na makapaglalantad sa user identity.
Ang Apple at Android mobile operating systems ay magbibigay ng tools para makontrol ang uri ng data na maaaring ma-access ng apps sa sandaling ito ay i-install.
© Agence France-Presse