1.72 milyong pisong halaga ng Agarwood, nasabat ng Bureau of Customs sa Davao
Aabot sa 1.72 milyong piso ng halaga ng shipment ng Agarwood ang nasabat ng Bureau of Customs sa Davao.
Ayon sa BOC, ang package ay idineklara bilang wood frames para sa souvenirs.
Pero matapos isailalim sa X-ray scanning at physical examination nakitang mga piraso pala ng bahagi ng Agarwood tree ang laman.
Ayon sa BOC, aabot sa 671 piraso ng Agarwood chips ang laman ng mga pakete.
Iligal umano ito at wala ring permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Una rito, nakasabat na rin ang BOC ng 2.4 milyong pisong halagang shipment ng Agarwood na patungo naman sana sa United Arab Emirates.
Ang nasabat na package ay isasailalim naman sa seizure and forfeiture proceedings at ituturn over sa DENR.
Ayon sa DENR, ibinebenta sa mahal na presyo ang ang agarwood dahil sa kakaiba nitong amoy.
Ginagamit ang resin ng agarwood sa paggawa ng insenso, pabango at medical products partikular sa Middle East at Asya.
Pero ayon sa DENR, iligal ang pagbebenta nito sa bansa. Matatagpuana ng agarwood sa mga kagubatan ng Mindanao at Visayas.
Sinasabing ang agarwood o lapnisan ay isa sa mga maituturing na “rarest” at isa sa pinakamahal na uri ng puno sa buong mundo na naibebenta ng 750 libong piso kada kilo.
Madz Moratillo