Mga testigo ng Prosekusyon wala umanong kredibilidad, ayon sa kampo ni Senador Leila de Lima
Tinawag ng kampo ni Senador Leila de Lima na walang kredibilidad ang mga testigo ng prosekusyon sa kaniyang kasong may kaugnayan sa illegal drug trade.
Ayon kat Atty. Rolly Francis Peoro, abugado ni De Lima, magkaiba ang pahayag ng testigong si Engelbert Durano sa pagdinig nitong Martes kumpara sa testimonya nito noong Oktubre 2019.
Sa pagharap sa Muntinlupa RTC, sinabi ni Durano na December 2014 nang magdeliber siya ng pera sa nooy ay kalihim ng doj na si delma ilang linggo bago ang pagsakalay sa new bilibid prison.
Galing raw ang 1.5 Million pesos sa isang alias “Jaguar” o Jeffrey Diaz sa drugs transactions saloob ng bilibid na nauna ng nasabi na wala siyang alam na transaksyon kay de Lima.
Pero nang isailalim sa cross examination, sinabi ni Durano na ang pera na Ibinigay umano kay de Lima ay nanggaling sa standby funds sa labas ng Bilibid at hindi na matukoy ang kaniyang source.
Sabi pa ng testigo wala siyang anumang drug related transactions sa mambabatas kaya ayon sa kampo ni de Lima, kwestyonable ang mga alegasyon na may go signal niya ang operasyon ng illegal drugs.
Si de Lima ay dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng Teleconferencing sa PNP Custodial center.
Naghain na rin ito ng ikatlong Motion for Bail sa Korte dahl sa mahinang alegasyon laban sa kanya.
Meanne Corvera