Mandaluyong City RTC Branch 212, naka-lockdown dahil sa positibong kaso ng COVID 19
Inilagay sa lockdown ang Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 212 matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado.
Sa memorandum na ipinalabas ni 1st Executive Judge J. Ermin Ernest Louie Miguel, inatasan din ang lahat ng kawani ng Branch 212 na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 na araw.
Mananatiling sarado ang nasabing hukuman sa panahon ng quarantine ng mga court personnel.
Ang mga nakaiskedyul na pagdinig ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng videoconferencing.
Patuloy din ang operasyon ng korte sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email addresses kahit ito ay pisikal na sarado.
Moira Encina