LPA sa Silangan ng Mindanao, maliit ang tsansa na maging bagyo – PagAsa DOST
Patuloy na binabantayan ng Pag-Asa DOST ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Mindanao.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 820 kilometers Silangan ng Davao City.
Pero sa ngayon sinabi ng weather bureau na mababa pa ang tsansa na mabuo ito bilang isang bagyo.
Inaasahang tatawid ang LPA sa gitnang bahagi ng bansa kaya sa mga susunod na araw ay inaasahang uulanin ang gitnang bahagi ng bansa.
Ngayong araw, Amihan o Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
Dahild ito, magiging maulan sa bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region at binabalaan ang mga residente ng posibleng flashfloods at landslides kung lalakas pa ang ulan.
Samantala, sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.
Habang sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao naman partikular sa mga rehiyon ng Northern Mindanao, Eastern Visayas, Socckssargen at Davao ay magiging makulimlim ang panahon dahil sa trough ng LPA.
Ang nalalabing bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay magiging maalinsangan ang panahon na may isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.