DOLE tiniyak na naghahanap ng mga bagong target destination para sa mga pinoy na nais magtrabaho abroad
Sa gitna ng nangyaring COVID-19 pandemic kung saan maraming OFW rin ang nawalan ng kabuhayan, positibo ang Department of Labor and Employment na maraming trabaho parin sa ibang bansa ang naghihintay sa mga Filipino.
Katunayan, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may ilang bansa ang maaaring makabilang narin sa mga target destination ng mga kababayan nating nais magtrabaho abroad.
Nariyan aniya ang Romania at maging ang Poland.
Ang Israel at Japan aniya ay nangangailangan rin ng marami pang mga caregiver.
Sa China naman aniya na may malaking demand rin para sa mga manggagawang pinoy, ay maraming trabaho ang maaari nilang pasukan gaya ng mga English teacher at maging sa pag aartista.
Malaki rin ang pangangailangan ng China para sa mga skilled worker.
Dagdag pa ni Bello, kung hindi lamang nagkaroon ng COVID-19 pandemic, dapat at may Philippine Labor Office na sa China partikular sa Beijing, Shanghai at Shen Zen.
Kung hindi naman maredeploy ang mga OFW, tiniyak ni Bello na nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA para mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga OFW para makapagnegosyo sila dito sa bansa.
Ayon kay Bello, mas mabuti pang magnegosyo nalang dito sa bansa ang mga OFW para hindi na nila kailangang malayo sa pamilya.
Madz Moratillo