Pagpatay sa mga hukom at pagkawala ng ilang abogado, Pinaiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos ang nakaaalarmang sunud-sunod na insidente ng pagpaslang at pagkawala ng mga miyembro ng legal community o mga abogado at mga hukom.
Naghain si Marcos ng Senate Resolution no.593 para masiyasat na ang limang insidente ng pagpaslang at dalawang disappearances ng mga hukom.
Tinukoy ng senador ang pagpatay sa abugadong si Edgar Mendoza sa batangas noong enero.
Bukod pa rito ang pagpatay kay Judge Jeaneth Gaminde ng San Joaquin, Manila Regional Trial Court Judge Maria Teresa Abadilla, Atty. Eric Jay Magcamit, at Atty. Joey Luis Wee.
Naiulat ding nawawala sina dating Court of Appeals Judge Normandie Pizarro at Atty. Ryan Oliva na hanggang sa kasalukuyan ay hinahanap pa rin ng mga awtoridad.
Bagamat ito aniya ay magkakahiwalay na kaso, kailangan pa ring mabusisi para malaman kung may kinalaman ito sa pagganap nila ng tungkuling mangalaga ng hustisya at magpatupad ng batas.
Meanne Corvera