Holiday gatherings at caroling bawal sa Santa Rosa City, Laguna
Ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Santa Rosa City, Laguna ang pagsasagawa ng holiday gatherings pati na rin ng caroling sa lungsod mula December 15, 2020 hanggang January 15, 2021.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 40 series of 2020 na ipinalabas ni Mayor Arlene Arcillas.
Sakop ng kautusan hindi lamang ang mga government offices kundi maging ang mga pribadong establisyimento, korporasyon, negosyo, at mga grupo.
Hindi rin pwede ang pagdaraos ng malakihang family reunions o gatherings sa Santa Rosa City sa mga nasabing petsa.
Ang hakbangin ay bahagi ng pagiingat laban sa pagkalat ng COVID-19.
Muli ring pinaalala sa mga residente na patuloy na sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, at physical distancing.
Sa pinakahuling datos ng City Health Office, nadagdagan ng 13 bagong kaso ng virus ang Santa Rosa.
Sa ngayon ay nasa 48 pa ang aktibong kaso ng COVID sa lungsod.
Moira Encina