Malakanyang, nababahala sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season

Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa pagtaas ng kaso ng COVID -19 sa bansa ngayong holiday season.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa report ng Department of Health o DOH nakitaan na ng paglaki ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID- 19 sa ilang lugar kasama na ang Metro Manila.

Ayon kay Roque,tumaas na ang reproduction rate ng COVID -19 mula sa dating 0.8 ay naging 1.6 na nitong unang linggo pa lamang ng Disyembre.

Inihayag ni Roque kung hindi susunod ang publiko sa itinakdang standard health protocol ngayong holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong taon, posibleng maulit ang nangyari noong buwan ng Agusto na umabot sa 3.27 ang reproductive rate ng COVID- 19 kaya nagpatupad ng mas mahigpit na quarantine protocol.

Batay sa pagtaya ng DOH maaring umabot sa  apat na libo kada araw ang magpopositibo sa COVID 19 pagpasok ng Enero ng susunod na taon.

Ito ay dahil umaabot na ngayon sa 9 na lungsod sa Metro Manila ang kinakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ganun din sa Region 1, Region 2, Cordillera Administrative Region at Davao Region.

Vic Somintac

Please follow and like us: