Prime Minister ng Slovakia, nagpositibo sa COVID-19
BRATISLAVA, Slovakia (AFP) – Nagpositibo sa COVID-19 si Slovakian Prime Minister Igor Matovic, isang linggo matapos dumalo sa isang European Union (EU) summit sa Brussels.
Sa naturang din summit pinaniniwalaang nahawa ng virus si French President Emmanuel Macron, nanguna sa European leaders at top French officials para mag-self isolate.
Sa kaniyang facebook page ay ibinahagi ni 47-anyos na si Matovic ang screenshot ng isang text message na nagpapakita ng positive result ng kaniyang test.
Ayon sa press department ng Slovakian government, nagpositibo si Matovic nitong Huwebes, at dahil dito ay kinansela na ang lahat ng kaniyang events.
Sa report naman ng local media, nakasaad na nanawagan ang gobyerno sa lahat ng ministers at state secretaries na magpa-test na rin.
Kalaunan ay inanunsyo nina Deputy Prime Minister Veronika Remisova at Defence Minister Jaroslav Nad, na sila man ay nahawaan din.
Si Macron at Matovic, ang latest heads of state and government sa buong mundo na nahawaan ng coronavirus, kasunod nina British Prime Minister Boris Johnson at US President Donald Trump.
Simula nang mag-umpisa ang pandemya, ang Slovakia ay nakapagtala ng higit sa 146,000 confirmed infections, kabilang ang halos 4,000 mga bagong kaso nitong Huwebes.
Higit 1,400 katao naman ang nasawi dahil sa virus sa Slovakia na may 5.4 milyong populasyon, kasama na ang 62 na namatay nitong Huwebes.
Ngayong Sabado ay magpapatupad ng bagong anti-virus measures, kabilang na ang pag-aatas sa non-essential shops na magsara pagdating ng ala-5:00 ng hapon. Inatasan din ang mga mamamayan na manatili sa kanilang tahanan.
Nitong Biyernes, ay inanunsyo ng health ministry na makukuha na ng Slovakia ang una nilang vaccines sa December 26, at ang pagbabakuna ay magsisimula sa araw ding iyon o kinabukasan.
© Agence France-Presse