Aplikante para sa bakanteng puwesto sa Korte Suprema,umabot sa 11
Mayroong 11 aplikante para sa binakanteng pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Priscila Baltazar- Padilla.
Si Padilla ay maagang nagretiro noong Nobyembre 3.
Sa listahan ng Judicial and Bar Council, karamihan ng mga aplikante ay mahistrado sa Court of Appeals na pito, dalawang justice ng Sandiganbayan, isang law dean, at si Court Administrator Jose Midas Marquez.
Ang mga CA Justices ay sina Nina Antonio-Valenzuela, Maria Filomena Singh, Ramon Cruz, Jhoseph Lopez, Eduardo Peralta, Apolinario Bruselas at Japar Dimaampao.
Sina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Justice Oscar Herrera Jr. naman ang mga aplikante mula sa Sandiganbayan.
Ang pinakabagong aplikante naman ay si dating Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria.
Ang tentative interview ng JBC sa mga aspirante ay sa December 28 at 29.
Moira Encina