Mga pulis inirekomendang sumailalim sa Values Re-Orientation
Umapila si Senador Nancy Binay sa Philippine National Police na isailalim sa Top to Bottom Values orientation ang lahat ng mga Law Enforcement Institutions para matigil na ang impunity at pagkakasangkot sa anumang pag-abuso.
Kasunod ito ng kaso ng pagpatay ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa nakaaway na mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Tila nakalimutan na umano kasi ng mga pulis ang kanilang tungkulin na maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.
Ayon sa Senadora, dapat ay magpatupad ng structural at internal reforms para baguhin ang istilo at masamang ugali ng mga pulis.
Para kay Binay, tama lamang na mabulok si Nuezca sa bilangguan at hindi ito dapat payagang makapagpiyansa.
Senador Nancy Binay:
“Dapat seryosohing baguhin ng PNP ang style at pag-uugali ng mga miyembro nito. Kailangan ng matinding across-the-board value re-orientation ang buong hanay ng PNP natin, dahil tila nakakalimutan na ng marami ang sagradong tungkulin nila na maglingkod at protektahan kahit yung pinakaabang Pilipino“.
Meanne Corvera