Pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui Tarlac kinondena ng mga Senador
Kinondena ng mga Senador ang ginawang pamamaril at pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac .
Ayon kay Senator Francis Pangilinan, nakakagalit ang karumal dumal na pagpatay ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.
Para sa Senador , resulta ito ng umano’y pagkunsinti o hindi pagpaparusa sa mga abusadong pulis.
Pinatitiyak naman ni Senator Panfilo Lacson sa pamunuan ng PNP na mananagot at mabubulok sa bilangguan si Nuezca .
Ayon sa dating pinuno ng PNP, hindi dapat magpakita ng awa ang PNP kay Nuezca na hindi aniya karapat dapat na mapabilang sa kanilang hanay.
Inirekomenda naman ni Lacson sa PNP na dapat maging patakaran ang pagpapasauli ng service firearm sa mga pulis na hindi naka duty at hindi sila dapat bigyan ng permit to carry firearms outside residence.
Hindi pa aniya huli para magpataw ng disiplina sa mga police scalawags at dapat ipatupad ang kanilang motto na to serve and protect.
Meanne Corvera