Paggamit at pagbebenta ng paputok o anumang pyrotechnics sa Valenzuela bawal na
Naglabas na ng ordinansa ang Valenzuela City government na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng paputok at mga Pyrotechnics developed devices ngayong holiday season.
Batay ito sa kanilang pinagtibay na ordinance no. 833 series of 2020.
Sa kanilang ordinansa o firecrackerban mahigpit na ipagbabawal ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi, pagmamay-ari, paggamit o paglalaro ng mga paputok at ng pyrotechnics devices sa Valenzuela City.
Ang mga lalabag ay maaring pagmultahin ng limang libong piso at pagkakabilanggo ng hanggang 30 days.
Habang ang mga business establishment o mga negosyante na mapapatunayang nagbenta maari namang kanselahin ang kanilang business permit.
Meanne Corvera