Balitang isasailalim sa “lockdown” ang cavite province ngayong holiday season, walang katotohanan.

Nilinaw ng Cavite Provincial Government na walang katotohanan na isasailalim sa Lockdown ang buong Cavite Province ngayong holiday season. 


Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, Tsismis lamang aniya ang balitang ito at hindi totoo.


Ayon sa Gobernador, bagaman marami pa rin aniya ang mga may kaso ng virus sa lalawigan subalit ikinatutuwa naman nito na bumabagal na at kumokonti na lamang ang bilang ng mga nagkakaroon ng covid 19 sa Cavite.

 
Isa din aniya ito sa mga palatandaan ng Cavite Provincial Government na unti-unti nang nagiging aware ang mga mamamayan ng Cavite ukol sa kahalagahan ng pag-iingat sa sarili laban sa banta ng covid 19. 


Muli ding ipinapaalala ni Governor Jonvic Remulla sa mga taga Cavite na mahigpit pa ring umiiral sa buong lalawigan ang pagbabawal sa lahat ng uri ng party at social gathering ngayong holiday season para maiwasan na at nang hindi na dumami ang nahahawa ng Covid 19.


Sinabi rin ng Gobernador na mananatili pa rin aniya sa kategoryang MGCQ o Modified General Community Quarantine ang buong Cavite province.  

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: