Resulta ng Pulse Asia survey na 91% ng mga Filipino ay positibo ang pananaw sa 2021, ikinatuwa ng Malakanyang
Nasiyahan ang Malakanyang sa resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing 91 percent ng mga pinoy ay may positibong pananaw sa papasok na taong 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na sisikapin ng pamahalaan na maibangon ang buhay at kabuhayan ng bansa sa papasok na bagong taon.
Ayon kay Roque ang 2021 ay umpisa ng recovery year dahil ang lilipas na taong 2020 ay nalugmok ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya ng COVID 19 at pananalasa ng mga kalamidad.
Inihayag ni Roque sa pagpasok ng taong 2021 ay marami pang negosyo ang bubuksan para makabalik sa trabaho ang mga manggagawa na nawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan parin ng programang Ingat Buhay Para sa Hanap Buhay sapagkat nananatili ang banta ng COVID 19 sa kalusugan ng publiko.
Niliwanag ni Roque may magandang natatanaw ang sambayanan sa taong 2021 dahil paparating na ang mga bibilhing bakuna laban sa COVID 19 upang makabalik na sa dating normal ang pamumuhay sa bansa.
Vic Somintac