Bida ang Mask Campaign ng DOH Calabarzon, Inilunsad sa Tanza Cavite

Inilunsad ng DOH Calabarzon ang kampanya nitong Bida ang Mask sa Tanza Cavite. 


Pinangunahan ito ni DOH region 4a Director Dr. Eduardo Janairo kasama sina Tanza Cavite Mayor Yuri Pacumio at mga opisyal mula sa Tanza Municipal Health Office, at ang Cavite Provincial Health Office.


Ayon kay DOH region 4a Director Dr. Eduardo Janairo, isa ito sa mga istratehiya ng ahensya na ang pangunahing objective ay maging aware ang publiko ukol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga minimum health standard na inilalabas ng pamahalaan kagaya ng pagsusuot ng facemask at face shield at pagsunod sa social diatancing para makaiwas sa banta ng Covid 19.

===========
“Ito ang mga impormasyong kailangang malaman at ugaliing gawin upang tayo ay maging ligtas hindi lamang sa Covid kundi sa lahat ng uri ng mga virus na maaring maging sanhi upang tayo ay magkasakit,”  ani Dr. Edurado Janairo.
===============


Sinabi pa ni Dr. Janairo na mahalagang sundin ng publiko ang mga guidelines at bigyang pagpapahalaga ng to ang kaniyang kalusugan sa tulong at paggabay ng mga opisyal ng bawat munisipalidad. 

Kasama din sa highlights nang isinagawang launching ng “BIDA ang MASK” Campaign ay ang pamamahagi ng mga washable facemask, alcohol, at mga brochure para sa mga taga Tanza Cavite at ang pagpaparinig ng kanta o awiting nagpapaalala sa publiko na sundin at gawin ang mga minimum public health standards upang mapanatiling protektado ang bawat isa laban sa banta ng COVID-19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: