Mga nagtitinda ng torotot sa Divisoria, umaasang marami pa ring mamimili ngayong Bagong Taon

Sa kabila ng pagbabawal ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng torotot sa pasalubong sa bagong taon, umaasa ang ilang nagtitinda nito sa Divisoria na maraming kababayan pa rin natin ang bibili nito.

Ang torotot ay isa sa mga patok at ligtas na paraan ng pag-iingay tuwing bagong taon.

Pero dahil patuloy pa ang banta ng COVID-19, inirekomenda ng DOH na huwag na munang gumamit ng torotot dahil sa posibilidad ng pagkalat ng virus.

Isa sa paraan ng pagkalat kasi ng COVID-19 ay sa pamamagitan ng droplets.

Sa Divisoria, naglalaro sa 8 pesos hanggang 40 pesos ang bentahan ng ordinaryong torotot o iyong hinihipan.

Habang ang mga de pump na torotot naman ay nasa 50 pesos hanggang 60 pesos kada piraso.

Ang mga pina-pump na torotot ang hinahanap at mas binibili ngayon ng mga tao upang hindi na kailangan pang hipan at iwas-talsik laway.

Madz Moratillo

Please follow and like us: