Travel ban sa mga bansang nakapagtala na rin ng kaso ng new variant ng Covid-19, wala pang pasya ang Malakanyang
Wala pang pasya ang Inter Agency Task Force kung irerekomenda na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa mga bansang nakapagtala na rin ng kaso ng new variant ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kahit wala pang travel ban ay protektado ang bansa sa new variant ng COVID 19 dahil mahigpit na ipinatutupad ang 14 day quarantine at pagsasailalim sa RT PCR swab test sa mga pasaherong galing ng ibang bansa.
Batay sa report mayroon na ring naitalang kaso ng new variant ng COVID 19 sa Australia, Denmark, Germany, Italy, Iceland, Netherlands, Japan, South Korea, Malaysia, Singapore at Hongkong.
Inihayag ni Roque pinalawig ng Pangulo ang travel ban sa United Kingdom hanggang January 14 ng susunod na taon dahil sa kaso ng new variant ng COVID 19.
Vic Somintac