Ilang inmates sa Bilibid, sumailalim sa Rapid Antigen test sa harap ng pansamantalang pagbabalik ng dalaw sa kulungan
Muling nagsagawa ng Rapid testing ang pamunuan ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison kasunod ng pansamantalang pagbabalik ng dalaw sa kulungan ngayong holiday season.
Ayon sa BuCor, kabuuang 123 Persons Deprived of Liberty o PDLs mula sa Maximum Security Compound ang isinailalim sa rapid Antigen test.
Ito ay bilang precautionary measure matapos payagan ang ‘controlled dalaw’ ng mga kamag-anak ng mga inmates sa Bilibid hanggang sa Enero 1 ng susunod na taon.
Sinabi ng BuCor na sa ngayon ay walang aktibong kaso ng COVID sa mga PDLs sa NBP.
Nakatuwang ng BuCor Directorate for Health Services ang DOH- NCR sa pagsasagawa ng rapid Antigen test.
Moira Encina