Pagkansela ng face to face classes sa Enero, suportado ng mga Senador
Sinusuportahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang nakatakda sanang implementasyon ng face to face classes sa Enero.
Dulot ito ng pinangangambahang pagpasok sa bansa ng bagong strain ng Covid-19.
Ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Education, mabuti na agad nagpasya ang pangulo na huwag munang buksan ang mga eskwelahan.
Pangamba ng Senador, kung makapasok sa bansa ang bagong virus, mas malamang na magkaroon ng mabilis na hawaan.
Statement Senador Sherwin Gatchalian:
“Mabuti na rin nagpasya ang ating Pangulo na wag munang buksan ang ating mga eskwelahan, huwag muna magkaroon ng face-to-face classes dahil kapag pumasok itong bagong virus na ito ay baka magkaroon ng hawaan, ako naman ay sangayon doon dahil nga dito sa bagong variant ng virus na lumalabas”.
Aminado naman si Gatchalian na dahil sa delay ng opening ng face to face, maaaring ma-delay at umurong rin ang kaalaman ng mga kabataan
Apila ng Senador, dapat dapat buhusan ng pondo ang sektor ng edukasyon para matiyak na hindi uurong ang kalaaman ng mga estudyante
Nanghihinayang naman si Senador Imee Marcos dahil maaari namang gawin ang face to face sa mga lugar na wala namang Covid-19 cases at minimal ang kaso.
Meanne Corvera