Favorite Mo Rin Ba Ang Fried Chicken?
Naitanong n’yo na rin ba kung bakit ang fried chicken ay hindi nawawala sa mga handaan at kahit sa karaniwang mga kainan? Why can’t we get enough of this crispylicious fried chicken?
Marami ng argumento tungkol sa kung bakit maraming tao ang mahilig kumain ng fried chicken.
Ang hot ng usapin di ba? Literal na mas masarap na kainin kung hot ang fried chicken. Pero bago natin i-share kung paano ito iluto ng tama at ang health benefits nito, saan nga ba nagsimula ang fried chicken?
Ang fried chicken na alam natin ngayon ay isang tatak mula sa 2 cuisine. Ang isa sa Africa at ang isa naman ay sa Scotland. Lumalabas na isa itong African-Scottish fusion. Isang timeless combination.
Nagsimula noong Middle Ages, ang paraan ng pagluluto ng Scots ay gamit ang taba mula sa hayop, deep frying ngunit walang seasoning na gamit, habang ang West-African naman ay gumagamit ng lard, battered ang manok at puno ng seasoning. Ang dalawang pamamaraan ng pagluluto na ito ay nagtagpo sa bahagi ng South,Stateside.
Nang manirahan ang Scottish people sa South part at naging tagapagluto ang mga African slave, dito nagsimulang mag-combine ang 2 cuisine. Para sa mga African slave kasi parang may kulang sa paraan ng pagluluto ng fried chicken ang Scots, at dahil dito dinagdagan nila ito ng mga pampalasa.
Samantala, para naman kay Chef Markus Patimo, isang Chef Consultant, ang fried chicken ay naging paborito dahil nakasanayan ito ng mga tao, bukod pa sa affordable ito.
Sumasarap din ang lasa ng fried chicken basta tama ang haba ng oras ng pagkaka-marinate nito (overnight).
Pero mas masarap pa ito kung 2 to 3 days marination basta tama ang temperature ng fridge siguradong hindi masisira ang katakam-takam na fried chicken.
Haluan ng konting corn starch and breading, at proper frying na din para hindi lumambot katagalan.
Dapat ang heat temperature ay hindi masyadong malakas para maluto ng maayos ang breading pati ang loob ng chicken. Hindi maganda kapag minamadali ang pagluluto.
Ayon naman kay Dr. Bernard Balatbat, Clinical Nutritionist at Pediatrician.
Maraming benepisyo ang pagkain ng manok.
Helps build muscle. Ang manok ay isa sa best non-vegitarian source ng protein. Ito ay lean meat, mas marami itong taglay na protein at less amount ng fat.
Keep your bones healthy. Bukod sa protein mayaman ito sa ilang minerals gaya ng phosphorus at calcium, napapanatili ang tibay ng buto.
Relieves stress. Ang chicken ay nagtataglay ng dalawang nutrients na tryptophan at vitamin B5 na nakabubuti upang mabawasan ang stress. Ang dalawang ito ay may “calming effect” sa ating katawan. Dahil dito ang chicken ay isang excellent option pagkatapos ng stressfull day.
Reduce PMS symptoms. Ang magnesium ay isang nutrient na meron din sa manok. Ito ay nakapagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam sa mga nakararanas ng “pre-menstrual syndrome.” Nilalabanan din nito ang mood changes ng mga babae.
Helps boost testosterone level. Sa mga lalake dapat kumain ng mayaman sa zinc, dahil nakakatulong para ma-regulate ang testerone level at ma- boost ang sperm production.
Boosts immunity. Ang chicken soup ay matagal ng ginagamit bilang home remedy para maibsan ang cold, flu at iba pang common respiratory infections. Ang mainit na steam ng chicken soup ay tumutulong upang i-clear ang nasal at throat congestion
Promotes heart health: Dahil mayaman sa vitamin B6 ang manok, may mahalaga itong role para maiwasan ang heart attack. Maliban dito, ang chicken din ay mahusay na pagkunan ng niacin na nakapagpapababa ng cholesterol level na isang risk factor sa pagkakaroon ng heart disease.
Mayaman din ang manok sa protina, selenium, metabolism booster din .
Huwag lang nating kalilimutan na gaya ng lahat ng uri ng pagkain, hindi lang puro benepisyo ang makukuha natin dito ngunit hanggat tama ang dami ng ating kinokonsumo at sapat sa daily total caloric requirement, pwedeng pwedeng ma-enjoy ang crispylicious fried chicken na paborito ng marami.
Kaya tara na lets grab and enjoy some fried chicken !