Populasyon ng Senior citizens sa bansa, lalagpas ng 10 million sa 2021 – POPCOM
Sa unang pagkakataon lalagpas na sa 10 million ang bilang ng mga Senior Citizen sa pilipinas pagdating ng 2021.
Ayon kay Commission on Population and Development o POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III , katumbas ito ng 9.07 percent ng kabuuang populasyon ng bansa .
Samantala , malaking bahagi ng Senior Citizens ang hindi pa nakakakuha ng kanilang pension.
Paliwanag ng opisyal ang nasa 20 percent lamang ang nakakatanggap nito.
Kaya naman inirekomenda ng POPCOM na magkaroon ng mga polisiya para mabawasan ang health cost at iba pang pangangailan ng senior citizen.
Please follow and like us: