Iglesia Ni Cisto, nagsagawa ng tree planting activity sa Kalinga
Mahalaga ang puno para sa lahat, kaya kahit na naging abala ang maraming tao sa kanilang ginawang paghahanda para sa pagsalubong sa bagong taon, ay may mga kaanib naman sa Iglesia Ni Cristo sa Barangay Sumadel, Kalinga na nagsagawa ng tree planting activity.
Iba’t – ibang uri ng punong kahoy ang kanilang itinanim gaya ng Melina at coffee tree seedlings na pakikinabangan sa darating na panahon.
Ang sumadel ay isang bulubunduking lugar at kabilang ito sa Upper Kalinga.
Ang karaniwang ikinabubuhay ng mga mamamayan doon ay pagtatanim ng gulay, mga bungang kahoy at iba pa kaya labis ang kanilang pangangalaga sa likas na yaman ng kabundukan, ipinagmamalasakit nila ito at pinananatili ang kagandahan nito, dahil bukod sa doon sila nakatira ay doon din nanggagaling ang kanilang ikinabubuhay.
Ulat ni Esther Batnag