Hammon gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang babaeng coach ng isang koponan sa NBA
LOS ANGELES, United States (AFP) – Ang dating WNBA player na si Becky Hammon ang naging kauna-unahang babae na nag-coach ng isang koponan sa isang NBA contest, kung saan inilarawan niya ang karanasan bilang isang “big deal.”
Si Hammon ay gumawa ng kasaysayan nitong Miyerkoles sa 121-107 na panalo ng Los Angeles Lakers kontra San Antonio Spurs, nang mag-take over siya bench duties ng Spurs makaraang palabasin sa first half ang head coach na si Gregg Popovich.
Ayon kay Hammon, bahagi siya ng Spurs at ng organisasyon sa loob ng 13 taon makaraan siyang mapasama rito noong 2007. Marami na aniya siyang panahong ipinuhunan sa koponan at marami na ring panahong ipinuhunan ang Spurs sa kaniya, para lalo pa siyang gumaling at humusay.
Si Popovich ay nakatanggap ng isang technical foul at pinalabas, noong tatlong minuto at 56 na segundo na lamang ang natitira sa game sa second quarter, dahil sa pakikipagtalo sa isang referee habang ang kaniyang team ay napag-iiwanan na ng Lakers sa score na 52-41.
Si Vice President-elect Kamala Harris ay kabilang sa mga bumati kay Hammon sa social media, sa pagsasabing umaasa siya na mas marami pang dating manlalaro ng WNBA ang magiging coach ng NBA.
Si Hammon ay nasa kanya nang ika-pitong season sa San Antonio coaching staff.
Siya ay six-time all-star sa WNBA habang nasa koponan ng New York at Texas.
© Agence France-Presse