Covid-19 cases sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa, naragdagan pa

dfa1

Courtesy of Wikipedia.org

Umakyat pa sa 12,891 ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay matapos makapagtala ng panibagong 15 overseas Filipino ang tinamaan ng sakit.

Wala namang naitalang bagong mga nakarekober at mga namatay dahil sa karamdaman.

Pero ayon sa DFA, kung ikukumpara sa datos noong nakalipas na linggo, may bahagyang pagbaba sa mga namamatay sa karamdaman habang nanatili naman sa 27.87% ang mga kasalukuyang ginagamot.

Nananatiling ang Middle East at Africa ang may may pinakamaraming kaso, mga namatay at recoveries din sa hanay ng ating mga kababayan sa abroad.

Please follow and like us: