Pinakabagong game show sa Philippine TV, inilunsad ng NET25

Simula ngayong Lunes, January 4, 2020, mapapanood na ang EAT’S SINGING TIME, Lunes – Biyernes, alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Host dito ang world-class artist na si Marcelito Pomoy at ang kwelang si Jaycee Parker, kasama ang nakatutuwang si Boobsie Wonderland.

Ang latest game show na ito ng NET25 ay inspired ng paboritong pampalipas oras ng mga Filipino, ang videoke. Gayunman, kaiba ito sa ordinaryong videoke session o singing competition.


Ang EAT’S SINGING TIME ay katatampukan ng dalawang challenges, ang pagkanta at pagkain.

Ang pinag-isang kantahan at kainan, ay katatampukan ng power belters, brilliant balladeers, aspiring artists, at karaoke enthusiasts na haharap sa challenging tasks para maabot ang tinatawag na “perfect pitch!”

Ang EAT’S SINGING TIME ng NET25 ang magsisilbing pampagana habang naghahapunan ang buong pamilya.

Mayroon itong tatlong rounds. Sa unang round, ang Solo Ko ‘To – apat na kalahok ang kakanta ng solo mula sa EAT’S SINGING TIME videoke machine na ipa-flash sa LED screen.

Sa Round 2 – Sing Gulo-Gulo – ang mga kalahok ay kakanta habang sumasailalim sa challenges. Sa final round – BIGating EATing – kailangang ubusin ng contestant sa itinakdang oras ang oversized food na ihahain sa kanila. Ang mga kalahok ay bibigyan ng points sa bawat round, at ang overall winner sa tatlong rounds ang idedeklarang panalo.

Ang EAT’S SINGING TIME ay mapapanood pagkatapos ng major newscast ng NET25, ang Mata Ng Agila.

Makaaasa ang mga manonood on-air at online ng isa na namang high-quality entertainment, dahil ang mga taong nasa likod ng pinakabagong game show sa Pilipinas, ay siya ring nasa likod ng Happy Time at Kesayasaya!

Ang EAT’S SINGING TIME ay maaaring mapanood sa digital free TV, cable, at sa Facebook at YouTube Channels ng NET25.

Panoorin ang promo plug ng EAT’S SINGING TIME sa YouTube sa link na ito: https://youtu.be/fFFQ1CsHwV0

Liza Flores

Please follow and like us: