DOJ target na matapos sa lalong madaling panahon ang pagdinig sa kasong double murder laban sa pulis na bumaril sa nakaalitang mag-ina
Hinihintay pa ng Department of Justice (DOJ) ang itatakdang petsa ng arraignment kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.
Si Nuezca ay una nang sinampahan ng dalawang counts ng murder ng piskalya matapos barilin at mapatay ang nakaalitang mag-ina sa Tarlac noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inaantabayan ng mga piskal ng DOJ ang utos ng korte sa petsa ng pagbasa ng sakdal sa akusado.
Anya plano ng DOJ prosecutors na agad materminate o mabilis na matapos ang pagdinig sa kaso at makakuha sila ng conviction.
Agad na kinasuhan ng piskalya si Nuezca pagkatapos itong maisalang sa inquest proceedings makaraang makitaan ng probable cause ang reklamong double murder laban dito.
Statement SOJ Guevarra:
“The criminal information was filed in court two weeks ago, immediately after the inquest. Our prosecutors are just waiting for the court’s order setting the arraignment of the accused. Subject to the court’s calendar, we intend to terminate this case and obtain a conviction for double murder as quickly as possible.”
Moira Encina