Tennis sa 2021
PARIS, France (AFP) – Gaganapin na sa susunod na linggo ang 2021 tennis season, kung saan ang Association of Tennis Professionals (ATP) tournaments para sa mga lalaking manlalaro ay gaganapin sa Delray Beach sa Florida at Antalya sa Turkey, habang apat sa mga babaeng manlalaro na nasa Top 10 ang maglalaro naman sa Abu Dhabi Women’s Tennis Association (WTA) event.
Sinira ng COVID-19 pandemic ang 2020 season, kung saan nahinto ito ng limang buwan, sa kauna-unahang pagkakataon mula noong World War II ay nakansela ang Wimbledon, behind closed doors naman ang mga laro sa US Open at na-delay ang tournament sa Roland Garros hanggang Setyembre.
Ang 2021 Indian Wells tournament na mas malimit tawaging ‘fifth Grand Slam’ pero unang event na nahinto dahil sa virus nitong nakalipas na taon ay ipinostpone na rin.
Ang Australian Open ngayong taon ay gaganapin ng tatlong linggong atrasado kaysa naka-plano, kung saan lahat ng mga manlalarong darating sa Melbourne ay isasailalim sa quarantine.
Sa Dubai at Doha naman gagawin ang qualifying para sa firts major event ng season.
Hindi pa sinasabi ng WTA ang kanilang plano matapos ang Australian Open na matatapos sa February 20, habang ang ATP naman ay ang schedule lamang hanggang Miami Masters na matatapos sa April 4, ang kinumpirma.
Si Roger Federer at Serena Williams ay kapwa magse-celebrate ng kanilang 40th birthdays ngayong 2021, kaya’t may mga katanungan kung ang season ngayong taon ay hudyat din ng kanilang pagreretiro sa tennis.
Si Federer, na may record na 20 Grand Slam titles at pinantayan ni Rafael Nadal sa Roland Garros noong 2020, ay hindi na nakapaglaro simula sa Australian Open ng nakalipas na taon dahil nagpapagaling pa sa tinamong knee injury.
Umatras na rin ang Swiss player sa pagbiyahe sa Melbourne, kaya’t posibleng magbigay daan ito para makuha ni Nadal ang ika-21 niyang major title.
Si Federer na nagsimulang lumahok sa mga tournament noong 1998, ay maku-kwarenta anyos na sa August 8, isang linggo pagkatapos ng men’s final sa na-reschedule na Tokto Olympics kung saan siya ay inaasahang makakakuha ng gold medal sa singles event.
Samantala, ang US superstar na si Williams ay magku-kwarenta na rin sa September 26, dalawang linggo pagkatapos ng US Open.
Muling tatangkain ni Williams na makuha ang ika-24 na Grand Slam Championsjip sa paghaharap nila ni Margaret Court.
Ang huling tagumpay ni Williams sa major titles ay nakuha niya noong 2017 habang siya ay buntis.
Inaasahan naman na malalampasan ni Novak Djokovic, kasalukuyang Australian Open champion at 17-time major winner, ang all-time record ni Federer na 310 weeks sa March 8.
Ayon kay Djokovic, isa sa dalawang pinakamalaking professional goals nya ay maabot ang record at malampasan din ang record ni Federer na pinakamatagal na naging No.1 at hangga’t maaari ay manalo ng maraming Grand Slams.
© Agence France-Presse