Unang kaso ng bagong COVID-19 variant, kinumpirma ng Iran
TEHRAN, Iran (AFP) — Kinumpirma na ng Iran ang unang kaso nila ng bagong COVID-19 variant na unang na-detect sa Britain, habang sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng higit anim na buwan, ay bumaba naman ng below 100 ang bilang ng namamatay araw-araw.
Sinabi ni Health Minister Saeed Namaki, na nakalulungkot na ang unang kaso ng nag-mutate na British COVID-19 ay na-detect sa isa nilang kasamahan na dumating galing England.
Aniya, ang pasyente ay in-admit sa isang pribadong pagamutan, at lumitaw sa isinagawang extensive testing na ang virus na humawa sa kaniya ay ang mutated type.
Ang Iran ang bansang pinaka grabeng tinamaan ng pandemya sa Gitnang Silangan, kung saan unang lumitaw ang COVID-19 sa Islamic republic noong Pebrero 2020.
Ang bagong strain, na ayon sa mga eksperto ay mas mabilis makahawa kaysa orihinal na variant, ay naging sanhi ng pagpapatupad ng travel restrictions ng higit 50 mga bansa kasama na ang Iran, sa mga byaherong galing sa United Kingdom.
Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye si Namaki sa pagkakakilanlan ng pasyente, subalit sinabing walang traces ng virus na na-detect sa kaniyang pamilya at mga kakilala dahil ang mga ito ay nag-self isolate na pagdating sa Iran.
Sinabi ni health ministry spokeswoman Sima Sadat Lari, na ang Islamic republic ay opisyal nang nakapagtala ng 55,748 namatay at 1,255,620 infections mula nang i-anunsyo nito ang unang kaso noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Subalit may ilang mga opisyal kasama na si Namaki, na inaming ang opisyal na bilang ay mas mababa kaysa aktwal na bilang, dahil sa testing protocols.
Sa nakalipas na 24-oras, may 98 bagong namatay dahil sa coronavirus, ang pinakamababang naitala mula noong June 18.
Ang total infections ay tumaas din sa 6,113 nitong Martes, on Tuesday, namamalaging stable sa naturang lebel sa nakalipas na tatlong linggo, mula sa mataas na 14,051 noong November 27.
Ang pinakahuling pagbaba sa virus figures ay nangyari matapos ipatupad sa loob ng dalawang linggo ang mas mahigpit na restrictive measures noong November 21 for two weeks, na ang iba ay nananatiling umiiral.
© Agence France-Presse